WebClick Tracer

Bella Belen, Josh Ybañez wagi uling UAAP MVP

Muli na namang kinilala bilang Most Valuable Players (MVP) ng UAAP volleyball sina Bella Belen at Josh Ybañez.

Ibinigay kay Belen ang ikalawa niyang MVP award bago ang Game 2 ng women’s volleyball Season 86 Finals sa pagitan ng National University (NU) at University of Santo Tomas (UST) nitong Miyerkoles ng gabi sa Mall of Asia Arena.

Nakakuha ang NU star spiker ng 82.2 statistical points.

Ikalawa na ring MVP plum ang nasungkit ng UST sophomore sensation na si Ybañez sa men’s volleyball tournament.

Nakakalap ang 5-foot-7 spiker ng 89.643 statistical points.

Samantala, tinanghal namang Rookie of the Year si Angge Poyos ng UST. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on