WebClick Tracer

Bela Padilla nakaengkuwentro ng mga magnanakaw sa London

Binalot ng takot ang aktres na si Bela Padilla nang maka-encounter ng mga magnanakaw sa London.

Kuwento ni Bela, first-time niya uling sumakay ng tren matapos ang tatlong buwan upang ihatid sa airport ang Swiss boyfriend na si Norman Bay.

May nakaiwan daw ng backpack sa loob ng tren na sinasakyan niya at dalawang babae ang naghalungkat dito.

“They took the food inside and other (I’m assuming valuable) things and threw the backpack on the floor,” ani Bela.

“They opened that tupperware that had sandwiches inside and started laughing really loudly, and all I could think of was that whoever left their bag would be hungry on their journey. Also the amount of time and effort of whoever packed the snacks are now wasted,” dagdag pa niya.

Gusto man daw niyang sitahin ang dalawang magnanakaw ay hindi niya nagawa dahil inatake siya ng nerbiyos at takot.

Hindi rin naman daw kasi nakagawian sa London na i-report sa mga pulis ang ganoong pangyayari.

“I felt bad on my walk home. I wanted to stand up and tell them to stop messing with the bag. But for some reason I was really nervous and scared. And so I realized I’m back in London, where no one cares to report these things, and no one will intrude when we see bad behavior,” patuloy niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on