WebClick Tracer

Bata isinama, inihiga pa sa sahig sa ‘The Era’s Tour’ Paris concert

Maraming netizen ang naimbiyerna sa magulang ng batang inihiga sa sahig habang nasa “The Eras Tour” concert ng American singer-songwriter na si Taylor Swift sa Paris, France.

Makikita sa viral X post, nakasuot pa ang bata ng light-up bracelet at nakasuot ng earmuffs.

“get ur baby off the floor and GO HOME” saad ng X user na nakakuha ng larawan.

“just to paint the full picture this is general admission at the Paris show tonight… and that baby is somewhere in the floor AT THIS SHOW! Like WTF they have lost their minds! terrible parenting.” aniya pa.

Napa-comment naman ang ilang netizen at kinondena ang pagsama sa bata sa concert.

“please don’t bring babies to concerts their ears are very sensible and it could affect their hearing”

“…literally no words. hold your damn child.”

“WTH…embarassing”

“Now that’s just plain irresponsibility, what were they thinking?”

“All it takes is one misstep….. this angers me, idk why a parent would think this is ok!”

Samantala, ayon sa website ng La Défense Arena, ang venue ay “doesn’t recommend bringing children under the age of 4, even if accompanied, particularly due to the high volume.” Ipinagbabawal din ang mga stroller.

Sinabi ng isang tagapagsalita sa Page Six na ang manonood na may dalang bata ay inaalok sana ng alternatibong seating arrangement ngunit tinanggihan umano ng mga may hawak ng ticket. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on