WebClick Tracer

Absolute divorce bill pasado sa 2nd reading ng Kamara

Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara de Representantes ang absolute divorce bill.

Ang House Bill 9349, na inaprubahan sa pamamagitan ng voice voting sa sesyon ng plenaryo gabi ng Miyerkoles ay naglalayong payagan na muling makapagpakasal ang mag-asawang naghiwalay na.

Layunin din ng panukala na iligtas ang mga anak na lubhang naaapektuhan sa paulit-ulit na pag-aaway ng mga mag-asawa. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on