WebClick Tracer

Abante Horoscope | May 16, 2024 Huwebes

Alamin ang iyong kapalaran base sa iyong zodiac sign ngayong Huwebes, May 16, 2024.

TAURUS

(Abril 20 -Mayo 20)

Iwasang makatapak lalo na ng mga taong nasa laylayan. Sampung beses munang pag-isipan kung tama ang ginagawang hakbang. Lucky number for today: 13

GEMINI

(Mayo 21 -Hunyo 21)

Wag mong sirain ang iyong pangalan. Niloko ka man ng taong pinagkatiwalaan mo’y hayaan mong dapuan siya mismo ng karma. Lucky number for today: 10

CANCER

(Hunyo 22 -Hulyo 22)

Mag-reach out sa ilang malalayong kaanak. Gamitin ang social media para mapalapit at magkonek kayo ng iyong angkan. Lucky number for today: 14

LEO

(Hulyo 23 – Agosto 22)

Wag magsarili. Humingi ng payo sa mga mahal sa buhay. Malaki ang maibabahagi nila sa iyong ikakatagumpay. Lucky number for today: 7

VIRGO

(Agosto 23- Setyembre 23)

Share your blessings. Maliit man yan o malaki ay ibahagi. Mentras namimigay ka ay magmu-multiply ang iyong pagpapala. Lucky number for today: 4

LIBRA

(Setyembre 24- Oktubre 23)

I-relax ang diwa at isip. Magpahinga nang sapat. Sa paraang iyan ay gagana nang tama ang iyong utak, pati solusyon ay tumpak. Lucky number for today: 11

SCORPIO

(Oktubre 24 -Nobyembre 22)

Magpapasaklolo sa`yo ang isang kaibigan. Tulungan siya sa abot ng iyong makakaya. May matatanggap kang blessing sa ibang paraan. Lucky number for today: 3

SAGITTARIUS

(Nobyembre 23 -Disyembre 21)

Bawasan ang sobra at maging balanse. Okay lang na makaramdam ng lungkot. Ang bonggang pagsasaya ay may kabuntot minsan na luha. Lucky number for today: 7

CAPRICORN

(Disyembre 22- Enero 19)

May masasagap kang bad news. Exaggerated lang ito kaya wag magpaapekto. Maniwala ka lang kung may sapat na pruweba. Lucky number for today: 12

AQUARIUS

(Enero 20- Pebrero 18)

Posible kang mapasabak sa isang pangmalakasang challenge. Ikondisyon at ilagay sa tamang timpla ang sarili para hindi mangulelat. Lucky number for today: 6

PISCES

(Pebrero 19 – Marso 20)

Ang pagiging magiliw mo sa mga bata ang maglalayo sa`yo sa disgrasya dahil sila ang magsisilbi sa`yong `anghel dela guwardiya.’ Lucky number for today: 8

ARIES

(Marso 21 – Abril 19)

Pag-aralan muna kung tatanggapin ang alok na negosyo o pagkakakitaan ng dating kasamahan. Tiyaking hindi ka mabubudol. Lucky number for today: 5

TELETABLOID

Follow Abante News on