WebClick Tracer

6 non-resident ambassador, nakipagkita kay PBBM

Tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Palasyo ang anim na non-resident ambassadors designate mula sa Belarus, Ghana, Turkmenistan, Malta, Dominican Republic at Nicaragua na layuning mapatatag ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at mga bansang kanilang ikinatawan.

Kabilang sa mga nagpresenta ng letter of credence kay Pangulong Marcos Jr. sina Belarus non-resident ambassador-designate Raman Ramanouski, Florence Buerki Akonor ng Republic of Ghana, Ataturdy Bayramov ng Turkmenistan at John Busuttil ng Republic of Malta.

Kasama rin sa bisita ng President ay si Jaime Yorquis ng Francisco Rodriguez ng Dominican Republic at Sandy Anabel Davila Sandoval ng Republic of Nicaragua na nagpresenta ng kanilang credentials.

Sa pagtanggap ni Pangulong Marcos Jr. sa sugo ng Nicaragua, sinabi nitong hangad niya na magpatuloy ang pagpapayabong sa relasyon ng dalawang bansa sa kabila ng malayong distansya.

“Although we are far away I believe that distance, we should not allow distance to get in the way of our continuing relations and I hope you should learn more about the Philippines and that you will be able to explore some other possibilities to the mutual benefit of our countries,” saad ng Pangulo.

Ang Nicaragua ay pang-142 bilang trading partner ng Pilipinas at ika-133 import supplier ng bansa. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on