WebClick Tracer

5 utas sa karambola ng 3 sasakyan sa Lopez, Quezon

Limang katao ang binawian ng buhay matapos masalpok ng delivery van ang sinasakyang tuktuk tricycle na kalauna’y nasunog sa Maharlika Highway, Canda Ilaya, Lopez, Quezon nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Apat sa siyam na sakay ng nasabing tuktuk tricycle ang dead on the spot samantalang nasawi naman ang isa sa pagamutan.

Naganap ang malagim na aksidente dakong 2:30 ng umaga.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Lopez Police, papuntang Bicol para maki-fiesta ang tricycle nang masalpok ito ng kasunod na delivery van.

Sa lakas ng impact ng pagkakasalpok, nabanggap pa ng tricycle ang likurang bahagi ng isang bus.

Nagliyab ang nasabing tricycle hanggang sa madamay at magliyab na rin ang pampasaherong bus.

Sunog ang apat na sakay ng tricycle, lima ang naisugod sa pagamutan na lahat at nagtamo ng matinding sugat sa katawan.

Ayon sa mga awtoridad, ilan sa mga sakay ng tricycle ay pawang mga bata.

Wala namang naiulat na nasugatan sa mga pasahero ng bus.

Gumugulong na ang imbestigasyon ng Lopez Police. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on