WebClick Tracer

29-anyos boksingero patay sa unang sabak sa pro

Nasawi ang isang British sa unang laban niya sa professional boxing.

Nasapol sa ulo si British boxer Sherif Lawal, 29, ng suntok ni Portuguese opponent Malam Varela sa ikaapat na round ng six-round middleweight fight nila noong Linggo, May 12 sa Harrow Leisure Centre, London.

“Last night, Sherif Lawal was making his debut at a show at Harrow Leisure Centre, in which our boxer Courtney Bennett was scheduled to fight,” pahayag ng event’s promoter Warren Boxing Management sa Instagram post.

“Unfortunately during Sherif’s fight, he collapsed and despite the best efforts of the paramedics, he was later pronounced dead,” dagdag nito. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on