WebClick Tracer

109 years old lola 1 boteng gin sikreto sa mahabang buhay

Isiniwalat ng isang lola na taga-Oriental Mindoro ang sikreto sa mahabang buhay – ang pag-inom ng isang boteng gin!

Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ni Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor ang video ng personal niyang paghahatid kay Nanay Ising ng cash gift sa pagtuntong sa edad na 109.

Sinabi raw sa kanya ni Nanay Ising na ang sikreto nito sa mahabang buhay ay ang pag-inom ng gin.

Kaya bukod sa cash at cake ay may regalo ring tatlong boteng gin ang gobernador sa matanda.

“Kita n’yo kayang-kaya niya pang maglakad… naririnig pa niya ang boses ko,” ani Governor Dolor.

“Ibig sabihin, hindi hadlang ang edad sa kalusugan ng tao. Nasa tao ‘yun,” dagdag pa niya.

Ilan daw sa bibilhin ni Nanay Ising sa natanggap na limpak na pera ang bigas, pang-ulam at gamit sa bahay. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on