WebClick Tracer

PVL ikakasa unang rookie draft

Sa unang pagkakataon, magsasagawa ang Premier Volleyball League (PVL) ng kanilang rookie draft.

Ayon kay PVL commissioner Sherwin Malonzo, nitong Hulyo inaasahang isasagawa ito o bago ang Reinforced Conference.

Ipapalabas ito sa telebisyon o livestreaming para sa transparency.

Dagdag ni Malonzo, ang apat na koponan na nasa ilalim ng standings mula sa katatapos lang na All-Filipino Conference (AFC) ay makakakuha ng first four picks.

Ang apat na team na nasa laylayan sa katatapos lang na AFC ay ang Strong Group Athletics (SGA), sumunod ang Capital 1 Solar, Galeries Tower at Farm Fresh.

Ang fifth pick ay awtomatikong mapupunta sa No. 8 Nxled habang ang sixth hanggang 12 picks ay mapupunta sa Akari, Cignal, PLDT, Chery Tiggo, Petro Gazz, Choco Mucho at sa AFC champion Creamline.

Magsisimula naman ang second round sa pagkuha ng SGA ng first pick.

Nangangahulugan ito na bawal na ang lumang nakasanayan ng mga team na direktang mag-hire ng mga manlalaro mula sa mga kolehiyo. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on