WebClick Tracer

Panukalang amyenda sa Rice Tariff Law umusad na

Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukalang amyenda sa Rice Tariffication Law (Republic Act 11203).

Ang House Bill 10381, na naglalayong matiyak na mayroong sapat na suplay at abot-kaya ang presyo ng bigas, ay inaprubahan sa pamamagitan ng viva voce voting.

Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pag-apruba sa panukala na magpapalakas sa lokal na industriya ng bigas.

“This amendment is crucial in enhancing the competitiveness and resilience of our rice sector, ensuring that it can withstand challenges and continue to thrive,” sabi ni Romualdez.

“This bill is not just a policy change; it is a powerful pledge to every Filipino. We are committed to ensuring that rice—our staple food—remains affordable and accessible to all. By refining the RTL, we address its shortcomings and provide our farmers with the support they need to thrive in an increasingly competitive market,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng panukala, palalakasin ang National Food Authority (NFA) upang masiguro na sapat ang suplay ng bigas at mapangalagaan ang interes ng mga Pilipino.

Target ng Kamara na aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala bago ang sine die adjournment sa susunod na linggo.

Samantala, umapela naman si House Assistant Majority Leader at Nueva Ecija Rep. Mikaela Angela Suansing sa mga senador na ikonsidera ang agarang pagpasa ng panukala.

“I appeal to our friends in the Senate to please, please, please expedite the passage of this measure, of this very urgent and important measure,” sabi ni Suansing, pangunahing may-akda ng panukala.

“Because at the end of the day po our primary objective is two-fold: one is mabigyan po natin ng access iyong mga pinakamahihirap na mga pamilyang Pilipino sa mas murang bigas; at pangalawa po ay matulungan natin iyong ating mga magsasaka na mapababa iyong cost of production nila,” dagdag pa nito.

Nauna rito ay tinutulan ni Sen. Cynthia Villar ang pagbibigay ng kapangyarihan sa NFA na mag-angat at magbenta ng bigas.

Umapela rin si Bataan Rep. Geraldine Roman sa mga senador na agad na aprubahan ang panukala.

“Maybe our friends in the Senate would listen and I’m confident that the Chairperson at the Committee on Agriculture will find it also in her heart, nasa Senado si Chair Cynthia Villar, I know she’s a good person. She has compassion in her heart and this would be a very, very good legacy for our farmers,” sabi ni Roman.

“Kapag pinakinggan ninyo mga mahal naming mga senador ang ating mga magsasaka, maniwala kayo nagkakaisa sila sa kanilang tinig na dapat baguhin itong RTL at ginagawa na po namin ito sa House,” dagdag pa ni Roman.

Nauna rito ay nagpahayag ng intensyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sertipikahang urgent ang pagpasa ng panukalang amyenda sa RTL. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on