WebClick Tracer

Kim Chiu gustong laging nakangiti si Paulo Avelino

Nagsabog muli ng kilig sa KimPau shippers ang birthday greetings ni Kim Chiu para kay Paulo Avelino.

Sa kanyang Instagram Stories, nag-share ng series of photos si Kim para batiin ang aktor.

Isa sa mga picture ang magkasama sila at parehong nakasuot ng shirt na may print ni Taylor Swift.

“Pbirthday swiftie Paulo Avelino,” caption ng TV host-actress.

Sa isa pang photo, makikita si Paulo na nakasuot ng barong.

Nilagyan ito ni Kim ng birthday wish para sa kanyang leading man sa “What’s Wrong With Secretary Kim?”

“Happpy birthday boss Paulo Avelino. Keep smiling! Mas bagay sayo!” ani Kim.

Nag-celebrate ng kanyang kaarawan nitong May 13 si Paulo. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on