WebClick Tracer

Indonesian na dinukot sa Makati nakatakas sa kidnappers

Nagawang makatakas ng 28-anyos na lalaking Indonesian sa mga dumukot sa kanya sa Makati City noong Mayo 4.

Ayon sa ulat, natagpuan ng mga opisyal ng barangay ang biktimang si Teddy Sufendy bandang alas-7:30 ng umaga sa harap ng isang simbahan sa Barangay Malabag, Silang, Cavite noong Lunes, Mayo 13.

Piniringan umano ng mga kidnapper ang mga mata ni Sufendy at tinalian ang mga kamay, at dinala umano sa isang lugar sa Tagaytay City.

Kinuha rin umano ng mga kidnapper ang mga gamit niya kabilang na ang mga ID at P5,000 cash.

Lunes ng umaga nang makatakas siya at naglakad ng may apat na oras hanggang matagpuan siya sa nasabing barangay.

Wala pang inilalabas na detalye kung paano nagawang makatakas ng biktima, na isa umanong empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators sa Makati.

TELETABLOID

Follow Abante News on