WebClick Tracer

Pinas mananatiling nangunguna sa pag-import ng bigas sa buong mundo sa 2025

Mananatiling pinakamalaking importer ng bigas sa buong mundo sa 2025 ang Pilipinas, ayon sa United States Department of Agriculture (USDA).

Nakasaad sa datos ng buwanang global grains report ng USDA para sa Mayo, nagpapakita na ang pag-import ng bigas ng Pilipinas ay inaasahang tataas pa sa darating na taon kaysa sa inaasahang 4.1 milyong metriko tonelada (MT).

“[T]he Philippines imports are forecast up to a record 4.2 million tons on continued growth in consumption. The Philippines is expected to again be the largest global rice importer,” saad sa ulat.

Binanggit ng USDA ang inaasahang paglaki ng populasyon at pagtaas ng turismo para sa inaasahang pagtaas ng mga import, kung saan ang pinakabagong data ay nagsasaad ng 109.03 milyong Pilipino noong Mayo 2020, at higit sa 2 milyong dayuhang turista sa bansa mula Enero hanggang Abril 2024.

Para sa 2024, inaasahan ng USDA na mag-import ang bansa ng 4.1 milyong MT, isang pataas na rebisyon mula sa 3.9 milyong MT na tinantya noong Pebrero.

Binanggit ng ahensya ang isang “smalled crops” para sa rebisyon, na sinabi ang epekto ng patuloy na El Niño phenomenon at ang malakihang pagbili mula sa Vietnam.

Ang pinakahuling datos na makukuha mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay nagpapakita ng 2.0% na pagbaba sa produksyon ng palay o unmilled rice sa unang quarter ng taon. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on