WebClick Tracer

Kuwentong barbero ng China, ibalik sa hukay – PH Navy

Dapat ibalik sa hukay ang kuwentong “zombie” ng China kaugnay sa pinalutang na umano’y “new model” at gentleman’s agreement pabor sa China kaugnay sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ito ang inihayag ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad sa harap ng paggigiit ng Chinese embassy sa umano’y new model para sila ang mangasiwa sa mga inaangking teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea .

Sinabi ni Trinidad na huwag maniwala sa kuwentong barbero at propaganda ng China dahil walang katotohanan at bitag ito para sa mga Pilipino ang mag-away-away at mailihis sa totoong isyu ng kanilang pangangamkam sa mga teritoryo ng bansa.

Kung ano ang sinasabi aniya ng gobyerno, ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy at iba pang ahensya ng gobyerno tungkol sa West Philippine Sea ay iyon ang totoo.

“A lot has been said about a new model. I have said it many times, patayin nation ang kuwentong na iyan; ibalik sa hukay. That’s a zombie story, huwag natin paniwalaan yan,” saad ni Trinidad.

Matatandaang inalmahan ng Defense Officials ang palutang ng Chinese embassy at itinangging walang kasunduan na nagpapahintulot sa China para pangasiwaan ang mga teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on