WebClick Tracer

Inflation rate sa Western Visayas, tumalon ng isang porsyento

Tumalon ng isang porsyento ang inflation rate sa Western Visayas.

Ito ay mula sa 3.1 porsyento noong Marso.

Sinabi ni Nida Amolar, Philippine Statistics Authority-6 officer-in-charge at chief statistical specialist, na ang isang porsyentong pagtaas ay dahil sa pagtaas ng presyo ng pagkain.

Lahat ng probinsya sa Western Visayas, maliban sa Guimaras, ay nagkaroon ng mas mataas na inflation rate noong Abril.

Ang Iloilo naman ang may pinakamababang inflation rate para sa Abril na may 0.8 porsyento ngunit ito ay tumaas ng 0.1 porsyento mula sa 0.7 porsyento noong Marso.

Habang ang Antique ay nagkaroon ng inflation rate na 6.7 percent, 4.9 percent sa Aklan at 4.4 percent sa Negros Occidental.

Ang Bacolod City, Capiz at Iloilo naman ay may katulad na inflation rate na 3.9 porsyento.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on