WebClick Tracer

Diwata sa first shooting kasama si Coco Martin: ‘Muntik na niya ako mahalikan’

Inalala ng viral pares vendor na si Diwata ang unang araw ng taping niya sa “FPJ’s Batang Quiapo”.

Sa interview ni Toni Gonzaga, sinabi ni Diwata, na Deo Balbuena ang real name, sobra raw siyang ninerbiyos sa first shooting day dahil kaeksena niya agad sina Coco Martin at Ivana Alawi.

“Nakakakaba kasi hindi ko naman alam ‘yang mga taping-taping na ‘yan. Parang sige, go… kasi opportunity ‘yan. Minsan lang ‘yan dumating kaya huwag mo nang pakawalan,” simulang chika ni Diwata.

“Tinuturuan ako ni Coco. Muntik na niya ako mahalikan eh. Noong kaeksena ko siya, kinakabahan ako. Tapos ‘yung script ko hindi ko mabitawan. Kasi si Ivana ‘yung kasama ko at saka siya so kinakabahan ako.

“Sabi ko, ‘Kasi nate-tense ako kasi kayo ang kaharap ko.’ Tapos sabi niya, ‘Sige na hahalikan na lang kita.’ Pero hindi ako pumayag. Kaya sinabi ko muntik na ako mahalikan ni Coco,” patuloy ni Diwata, na ikinatawa ni Toni.

“Pero ang bait ni Coco Martin,” dagdag pa niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on