WebClick Tracer

Ang sweet! Alden Richards todo alalay kay Kathryn Bernardo nang tumanggap ng award

May bagong sweet moment sina Alden Richards at Kathryn Bernardo na kinakiligang muli ng mga KathDen fan!

Magkasamang dumalo sa Box Office Entertainment Awards sina Kathryn Bernardo at Alden Richards nitong Linggo sa Ateneo De Manila University.

Tinanggap nila ang parangal bilang Box Office King and Box Office Queen.

Kinilala si Alden para sa pelikulang “Five Breakups and A Romance” habang si Kathryn ay sa “A Very Good Girl”.

Nag-viral naman ang video kung saan todo alalay ang aktor sa Kapamilya actress habang papunta ng stage para tanggapin ang award.

Ibinahagi ng netizen (@the_oscarbrad) ang naturang video.

“One of the most important gentleman rules: He knows how to deal with a woman correctly. The way he held a lady is just one of many gestures that make a gentleman,” saad nito sa caption. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on