WebClick Tracer

Abante Horoscope | May 14, 2024 Martes

Alamin ang iyong kapalaran base sa iyong zodiac sign ngayong Martes, May 14, 2024.

TAURUS

(Abril 20 -Mayo 20)

Ugaliing magtipid para may mahugot sa mga susunod na ganap. Gamitin ang pera sa makabuluhang pangangailangan. Lucky number for today: 7

GEMINI

(Mayo 21 -Hunyo 21)

Mag-relax at i-pamper ang sarili. Bilhin ang mga bagay na makapagpapasaya ngayon sa`yo sa abot ng iyong budget. Lucky number for today: 13

CANCER

(Hunyo 22 -Hulyo 22)

Magbigay ng sapat na oras para sa pamilya. Maghinay-hinay muna sa paggastos o pagsa-shopping online. Lucky number for today: 4

LEO

(Hulyo 23 – Agosto 22)

Kailangan mo muna ng break. Mag-enjoy at bigyang konsuwelo ang sarili para matanggal ang ilang stress. Lucky number for today: 3

VIRGO

(Agosto 23- Setyembre 23)

Ugaliing ngumiti kahit problemado. Makakatulong ito upang makapag-abot din ng good vibes sa mga makakasama mo. Lucky number for today: 11

LIBRA

(Setyembre 24- Oktubre 23)

May rason at mabuting dahilan kung bakit hindi pa napagbibigyan ang ilang gusto mo. Maghintay ka lang. Lucky number for today: 14

SCORPIO

(Oktubre 24 -Nobyembre 22)

Limitahan ang kwento at iwasang mag-overshare ng mga ganap mo. Magtira ka ng mystery sa’yong pagkatao. Lucky number for today: 10

SAGITTARIUS

(Nobyembre 23 -Disyembre 21)

Wag mong ikadismaya ang iyong mga pagkatalo. May tamang oras kung kailan ka magsa-shine at kabibiliban. Lucky number for today: 8

CAPRICORN

(Disyembre 22- Enero 19)

Magiging mabuti kang example sa iba sa pagiging mabait mo at humble. Habang nagpapakumbaba kay aangat ka. Lucky number for today: 7

AQUARIUS

(Enero 20- Pebrero 18)

Makakatanggap ng di ini-expect na blessing. Manggagaling iyan sa taong natulungan mo’t magpapasalamat sa`yo. Lucky number for today: 5

PISCES

(Pebrero 19 – Marso 20)

Magdahan-dahan sa mga desisyon sa buhay. Sariwain ang mga napagtagumpayan para lalo pang ma-inspire. Lucky number for today: 12

ARIES

(Marso 21 – Abril 19)

Papalibutan ka ng good vibes kung positive laging mag-isip. Magtiwala sa sarili at palawakin pa ang imahinasyon. Lucky number for today: 6

TELETABLOID

Follow Abante News on