WebClick Tracer

Abante Horoscope | May 13, 2024 Lunes

Alamin ang iyong kapalaran base sa iyong zodiac sign ngayong Lunes, May 13, 2024.

TAURUS

(Abril 20 -Mayo 20)

Tuloy lang sa laban o anumang kinakaharap na problema. Matutuwa ka sa reward oras na malampasan mo ang pagsubok. Lucky number for today: 11

GEMINI

(Mayo 21 -Hunyo 21)

Wag munang sabayan ang magagastos na kasamahan. Panahon mo ngayon para magtipid at hindi para magwaldas. Lucky number for today: 8

CANCER

(Hunyo 22 -Hulyo 22)

Maiiwan ka kung hindi magiging bukas sa agos ng panahon. Sumabay sa makabagong takbo ng teknolohiya. Lucky number for today: 12

LEO

(Hulyo 23 – Agosto 22)

Tumulong nang naaayon at kung hanggang saan lang ang kaya. Wag mong pilitin kung imposibleng umubra. Lucky number for today: 5

VIRGO

(Agosto 23- Setyembre 23)

Wag balewalain ang anumang nararamdaman. Wag munang tumuloy kung nag-aalangan pa at kinukutuban. Lucky number for today: 2

LIBRA

(Setyembre 24- Oktubre 23)

Malakas ngayon ang iyong sex appeal at kakaiba ang iyong dating. Lihim na maaatrak sa`yo ang isa mong close friend. Lucky number for today: 9

SCORPIO

(Oktubre 24 -Nobyembre 22)

Isantabi muna ang `wants’ at iprayoridad ang `needs.’ Magiging sikreto mo yan para unti-unti ka pang umasenso. Lucky number for today: 1

SAGITTARIUS

(Nobyemre 23 -Disyembre 21)

Wag mong pangunahan ang gusto mong mangyari. Manatiling relaks at huwag magmadali. May tamang oras para sa lahat. Lucky number for today: 7

CAPRICORN

(Disyembre 22- Enero 19)

Lumabas kasama ang mapagkakatiwalaang mga kaibigan. Dadami ang iyong asset o koneksyon kung makikipag-socialize. Lucky number for today: 10

AQUARIUS

(Enero 20- Pebrero 18)

Wag mong sarilinin ang problema. Ibahagi sa pamilya o malapit na kaibigan ang pinagdadaanan para gumaan ang pakiramdam. Lucky number for today: 4

PISCES

(Pebrero 19 – Marso 20)

Mapapawi ang iyong lungkot. Iyan ay dahil magkakakonek uli kayo ng iyong ex, ka-MU o ka-LDR sa tulong ng social media. Lucky number for today: 6

ARIES

(Marso 21 – Abril 19)

Maging wais sa pagbadyet at wag magpatukso sa online shopping. Iwasan munang gumastos para di mapautang. Lucky number for today: 3

TELETABLOID

Follow Abante News on