WebClick Tracer

PBBM nanindigan sa posisyong hindi kikilalanin ang ICC – Garafil

Hindi nabago ang paninindigan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungkol sa pagpipilit ng International Criminal Court (ICC) na mahabol si dating Pangulong Rodrigo Duterte at ilang dating opisyal ng gobyerno kaugnay sa war on drugs.

Ito ay matapos ihayag ng Department of Justice na naghahanda na sila ng briefer para sa Pangulo sa mga legal na options sakaling maglabas ng warrant of arrest ang ICC laban sa mga inakusahan ng extrajudicial killings.

Ayon Kay Presidential Communications Secretary Cheloy Garafil, malinaw at hindi nagbabago ang posisyon ng Presidente na hindi kikilalanin ang ICC.

Gayunman, sinabi ni Garafil na tungkulin ng DOJ na gamitin ang lahat ng mga legal na remedyo at masigurong maipabatid kay Pangulong Marcos ang mga option.

“The President’s stance on the ICC remains clear and consistent. However it is the duty of the Department of Justice to explore all legal avenues and ensure that the President is fully informed of his options,” ani Garafil.

Binigyang-diin ng kalihim na standard procedure ito at hindi pagbabago ng posisyon, kasabay ang pagtiyak na nakahanda ang administrasyon sa anumang scenario.

Matatandaang makailang beses na inihayag ng Presidente na hindi niya kikilalanin ang ICC sakaling magpilit na habulin at litisin ang mga inakusahan sa extra judicial killings dahil tapos na ang ugnayan dito matapos mag-withdraw ang Pilipinas sa tratado sa Rome Statute. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on