WebClick Tracer

Inispluk ng Kapuso writer: Xian Lim super hirap katrabaho

May rebelasyon tungkol sa aktor na si Xian Lim ang GMA writer na si Brylle Tabora.

Nangyari ito nang mag-react si Tabora sa Facebook post ng Esquire Philippines ng exclusive interview nito kay Xian kung saan nagsalita ang aktor ukol sa 12-year-relationship kay Kim Chiu at iba pang tsismis tungkol sa kanya.

Ni-reveal ni Tabora sa comment section na sobrang hirap katrabaho ng aktor at ginawa raw miserable ang buhay ng mga TV writer.

“What a friggin joke, and he’s also super difficult to work with!! Made our lives as TV writers miserable. UGH!” saad ni Tabora. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on