WebClick Tracer

Ingay ng DOJ sa ICC probe nagpapalala ng tensiyon sa pagitan ng mga Marcos, Duterte – Escudero

Maaari umanong magpalala sa tensiyon sa pagitan ng mga Marcos at Duterte ang pahayag ng Department of Justice (DOJ) patungkol sa kanilang paghahanda para sa legal briefing kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa posibleng legal option sakaling magdesisyon ang International Criminal Court (ICC) na arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“What I don’t understand is why a presscon had to be called to announce something that is in the normal course of things or as it should be,” sabi ni Escudero.

“Providing legal briefings to the President is standard procedure,” dagdag niya.

Nauna nang inihayag ng DOJ na naghahanda na silang comprehensive briefer para talakayin ang iba’t ibang senaryong may kinalaman sa ICC arrest warrant, kabilang ang posibilidad na muling pagsali ng Pilipinas sa ICC.

Subalit sa kabila ng mataas pa ring tensiyon sa pagitan ng kampo ng Pangulong Marcos at dating Pangulong Duterte, naniniwala si Escudero na ang naturang anunsiyo ng DOJ ay magpalala lang sa patulong na gusto sa pagitan ng dalawang kampo.

“Surely, such actions are not helping cool down or mend tensions between the Dutertes and the Marcoses,” punto ni Escudero. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on