WebClick Tracer

Dingdong Dantes nagsalita na: Tsikang naanakan niya si Lindsay De Vera fake news!

Nagsalita na ang aktor at TV host na si Dingdong Dantes sa kumakalat na tsikang naanakan niya ang aktres na si Lindsay De Vera.

Sa “Fast Talk with Boy Abunda,” tahasang pinabulaanan ni Dingdong ang bali-balita nang matanong ng host na si Boy Abunda.

“Wala po,” aniya. “Hindi po totoo.”

“Sa totoo lang eh nagdadalawang isip talaga ako kagabi kung may sasabihin ba ako about the topic and the issue kasi alam kong baka tanungin ninyo eh. Pero para sa akin po kasi, dahil may mga tumatawag na po sa ‘kin na mga kaibigan, mga kamag-anak, ‘yung mga nagmamalasakit po sa ‘kin, and because I have a responsibility dito sa aking mga mahal sa buhay, responsibilidad ko na klaruhin ang isyung ito dahil mahalagang mahalaga po ang aspetong ito para sa akin,” saad ni Dingdong.

Sinabi rin ng aktor na mahal niya ang kanyang pamilya.

“I love my wife, I love my family very much, my kids. That’s why I’m saying that it is not true,” saad ni Dingdong.

Takang-taka naman siya kung bakit laging nabubuhay ang isyu kahit paulit-ulit na nila itong pinapabulaanan.

“Mahirap magbigay ng mga spekulasyon tungkol diyan dahil sa totoo lang, first time ko na mapunta sa ganitong sitwasyon,” aniya.

Nagsimula ang isyu apat a taon na ang nakararaan ngunit muling lumabas sa internet nitong mga nakaraang araw.

Matatandaan na nilinaw na ito ni Lindsay noong 2021 na kung saan nagplano pa siyang maghain ng mga kaso laban sa mga nakibahagi sa pagpapakalat ng tsismis.

“Malakas po loob ko to tell them, to ask them to come forward with proof if they can. Patunayan po nila na nabuntis ako ni Kuya Dong,” aniya.

(VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on