WebClick Tracer

Alden Richards, Kathryn Bernardo nagdi-date na

Nagkakaigihan na raw nang husto sina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Ayon sa nasagap ng showbiz columnist na si Cristy Fermin, nanood na ng sine at nag-dinner date sina Alden at Kathryn.

“Nag-date na, nanood na ng sine! May chaperone nga lang pero iba pa rin ‘yung magkasama pa rin sila. At may mga nakakita sa kanilang nagdi-dinner,” wika ni Cristy sa “Showbiz Now Na!”

“Kasi una ‘di ba, nagbibigay na si Alden, nagpapadala ng mga pagkain at bulaklak nang walang okasyon. At sabi nga natin kapag ganoon na ang ginagawa ng lalaki, imposible namang walang napakagandang intensiyon,” sabi pa niya.

Samantala, ibinuking din ni Ogie Diaz ang nalaman, na madalas nasa bahay ni Kathryn si Alden.

“Mayroon ngang nagparating sa akin ano, na nakakatuwa naman, na kahit wala naman daw shooting eh talagang patuloy na dumadalaw itong si Alden sa bahay nina Kathryn,” sey ni Ogie.

Narinig din daw niyang tinuturuan ni Alden si Kathryn na mag-drive sa paligid ng tinitirhan nito. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on