WebClick Tracer

Sandro Marcos bukas sa pakikipag-alyansa sa PDP

Hindi isinasara ni presidential son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang posibilidad na maging magkaalyansa ang partido nitong Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at ang Partido Demokratiko Pilipino (PDP) na pinamumunuan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Alam mo naman po, politics is a game of addition. So, of course, anyone is welcome to join the alliance should they want,” sabi ni Marcos sa isang panayam sa isang event kung saan pumasok sa pormal na alyansa ang PFP at Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

Sinabi ni Marcos na itinataguyod ng PFP at Lakas-CMD ang pagkakaisa, na siyang mensahe ng kanyang amang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2022 elections.

“I guess we are starting to see the mobilization of the different political factions and of course…the unity of these different political factions coming together,” sabi ng solon.

“If you listen to the speech of the President during the PFP oath-taking, I believe he said that was his intent to be able to bring in as many of the parties as possible for the 2025 polls,” dagdag pa nito.

Si Duterte ay hayag na kritiko ni Pangulong Marcos. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on