WebClick Tracer

Alden Richards madalas dumalaw sa bahay ni Kathryn Bernardo

Ibinuking ni Ogie Diaz na madalas palang nasa bahay ni Kathryn Bernardo si Alden Richards.

“Mayroon ngang nagparating sa akin ano, na nakakatuwa naman, na kahit wala naman daw shooting eh talagang patuloy na dumadalaw itong si Alden sa bahay nina Kathryn,” sey ni Ogie.

“Lagi namang excited ‘yung mga kasama sa bahay ni Kathryn kapag nandoon si Alden,” chika pa niya.

Narinig din daw niyang tinuturuan ni Alden si Kathryn na mag-drive sa paligid ng tinitirhan nito.

“Ang cute lang na tinuturuan ni Alden si Kathryn,” wika pa ng talent manager at showbiz reporter.

Matatandaang sinabi rin ng source ni Ogie kamakailan na kumpirmadong nanliligaw na raw kay Kathryn si Alden at boto ang family ng aktres dito.

Lahat daw kasi ng gusto nila para sa isang lalaking mamahalin ni Kathryn ay na kay Alden. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on