WebClick Tracer

2 milyong Pinoy walang trabaho noong Marso—PSA

Aabot sa dalawang milyong Pilipino ang walang trabaho noong Marso, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang bilang ay nagresulta sa unemployment rate na 3.9%.

Mas mataas ang nasabing bilang kumpara noong Pebrero na nasa 3.5% ngunit malayo sa 4.7% sa parehong buwan noong nakaraang taon.

Matatandaan na noong Marso 2023, ang bilang ng mga indibidwal na walang trabaho ay umabot sa 2.42 milyon. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on