WebClick Tracer

PCG sa ‘new model’ claim ng China: ‘Nililito lang nila sambayanang Pilipino’

Pinayuhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang publiko na huwag maniwala sa mga pahayag ng China hinggil sa Ayungin Shoal.

“Ang panawagan ko sa ating mga kababayan, ‘wag tayong maniwala sa mga ganitong pahayag ng embahada ng China dito sa Pilipinas,” lahad ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela sa isang public briefing.

Reaksiyon ito ni Tarriela sa sinasabi ng Chinese Embassy na may “new model” deal ang China at Pilipinas para sa pamamahala sa sitwasyon sa Ayungin Shoal.

Saad naman ni Tarriela, madalas na naglalabas ng ganoong mga pahayag ang embahada sa tuwing may nangyayaring insidente sa pagitan ng mga sasakyang pandagat ng Tsina at Pilipinas sa WPS.

“Last year, nu’ng binanggit nila ‘yang gentleman’s agreement na ‘yan, a few days or a few weeks after the Ayungin incident. Ngayon na naman, meron na naman silang sinasabing special arrangement,” aniya.

Anang opisyal, layon lang ng Chinese Embassy na bigyang-katuwiran ang mga iligal na aktibidad nito at pagiging agresibo sa WPS.

“Nililito lang nila ang sambayanang Pilipino. They are actually justifying ang kanilang maling gawain dito, ang illegal activities nila, and of course, their aggression in the West Philippine Sea,” wika ni Tarriela. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on