WebClick Tracer

Marco Gumabao saludo sa mga delivery rider

Saludo ang aktor na si Marco Gumabao sa mga delivery rider na patuloy na ginagampanan ang kanilang mga trabaho sa gitna ng init ng panahon.

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi si Marco ng kanyang larawan na kung saan tila may kausap siya sa kanyang cellphone.

“POV: Kunyari kinikilig ka habang may kausap sa phone …..yun pala tumawag si kuya rider at naiwan na daw sa lobby ang parcel mo 😆😆😆” saad niya sa kanyang caption.

Kumambiyo naman siya ng, “Salute sa mga rider na napaka sipag lalo na sa init ngayon! Mahal namin kayo ❤️”

Kinilig naman ang mga netizen kay Marco na kung saan pinusuan pa ng mga ito ang post at napa-comment pa.

“Ang bango tingnan ni Marco parang si dominique🔥”

“@cristinereyes pinakikilig mo daw sya, sis”

“Gwapo sobra😍😍”

“pogi so much😍”

“Smile beauty😍”

(VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on