WebClick Tracer

40 milyong Pinoy walang access sa supply ng tubig—DENR

Tinatayang nasa humigit-kumulang 40 milyong Pilipino ang walang access sa pormal na suplay ng tubig.

Ito ang binigyan diin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Martes, Mayo 7 sa isang press briefing sa Malacanang.

Ayon kay DENR Undersecretary Carlos Primo David na karamihan sa mga indibidwal na ito ay naninirahan sa Mindanao, partikular na sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Matatandaan na sinabi na rin noong Enero ni David na lubhang nakakaapekto ang El Nino sa suplay ng tubig na kung saan apektado rin ang kalidad ng malinis na tubig. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on