WebClick Tracer

Deanna Wong gumiling ng ‘Pantropiko’

Natupad ang wish ng die-hard fans ng Choco Mucho na makitang gumiling ng Pantropiko ng BINI si Deanna Wong.

Sa mini vlog sa Instagram ng teammate niyang si Sisi Rondina, makikita ang kulitan moments nila bago ang pagharap nila sa Creamline Cool Smashers.

Habang nag-aayos ng kanyang sarili si Rondina, nahila niya si Deanna para magsayaw.

Pero nag-request si Deanna na ang hit song ng BINI ang sayawin nilang dalawa.

“Pak!!! Pantropiko gusto! Sige, igiling mo ‘yan!!!” saad ni Rondina. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on