WebClick Tracer

Ogie Diaz may hirit matapos idemanda ni Bea Alonzo

Naglabas ng maikling pahayag ang showbiz reporter at talent manager na si Ogie Diaz matapos siyang sampahan ng cyber libel case ng aktres na si Bea Alonzo.

Nitong Huwebes, Mayo 2, nagtungo si Bea sa Quezon City Prosecutor’s Office para maghain ng tatlong magkakahiwalay na criminal case for cyber libel laban kina Cristy Fermin, Ogie at mga co-host sa kani-kanilang online program.

Sa Facebook post, humingi ng pasensya si Diaz sa mga reporter na tumatawag sa kanya para hingin ang kanyang statement.

“Pasensya na sa lahat ng reporters na tumatawag para maging balanse lang ang kanilang report. Naiintindihan ko kayo kung nginangarag kayo ng news desk o ng editors nyo. Makakarating din naman sa amin yan para sagutin sa takdang panahon,” saad ni Diaz.

“Pero eto ha? Ayoko nang magpakaplastik. Tulad ng lagi naming hinihirit sa Ogie Diaz Showbiz Update, sila pa rin ang gusto naming magkatuluyan sa ending,” dagdag pa niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on