WebClick Tracer

VIP tickets para sa KDLex concert, sold-out agad!

Iba talaga ang power ng KDLex fans dahil sa loob lamang ng 15 minuto’y na-sold out agad ang VIP tickets para sa “Add To Heart: KDLex in Concert” na gaganapin sa Music Museum sa Mayo 31.

Ibinalita ito ng Star Magic nitong April 30 matapos ang announcement na available na ang ticket para sa concert noong April 29.

Nagkakahalaga ang tiket para sa concert nina KD Estrada at Alexa Ilacad ng mula 2,999 hanggang 5,999.

“Ang bilis niyo mag ADD TO HEART mga sweethearts and solids! VIP tickets are already SOLD OUT in just 15 mins!” sabi sa post ng Star Magic.

Maaari pang makabili ng Platinum, Gold at Silver tickets ang mga fan. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on