WebClick Tracer

Alyssa Valdez kinabiliban sa pagbalat ng mangga

Hindi lang sa volleyball magaling kundi pati pala sa pagbabalat ng mangga, bihasa ang Creamline Cool Smashers superstar na si Alyssa Valdez!

Viral at nangasim ang followers ni Alyssa nang mag-post siya habang nagbabalat at pumapapak ng manggang hilaw with matching bagoong.

Hinangaan din ang galing niya sa pagbabalat, na legit daw na Batangueña.

“Green mango addict 🙋🏻‍♀️😂💚 yay for the little things in life that make us super happy 😊,” caption ni Alyssa sa post niya sa Facebook na mayroon nang two million views, 89K reactions at 1.1K comments.

Narito ang sey ng ilang fans:

“Batangueña nga cya… kahit pgbalat ng mangga.”

“Tunay na Batanguena lang nakakapagtalop ng mangga n ganan style.”

“I like it also yummy idol.”

“Wow mangga with bagoong yummy x2.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on