WebClick Tracer

P1 milyong halaga ng droga, nakumpiska mula sa menor de edad

Nasabat ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang P1,035,000 halaga ng iligal na droga mula sa isang 17 taong gulang na lalaki sa isang buy-bust operation noong Huwebes.

Nagkasa ng entrapment operation ang mga miyembro ng Talipapa Police Station (PS 3) Drug Enforcement Unit (DEU) matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa paglalako ng iligal na droga ng suspek.

Dinampot ang suspek matapos matagumpay na makabili sa kaniya ng P11,000 na halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Brgy. Balong Bato, Quezon City.

Nakumpiska mula sa menor de edad ang 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,020,000 at 10 gramo ng marijuana na may street value na P15,000.

Sinabi ng pulisya na ituturn-over ang menor de edad sa Station Women’s and Children Concern Section (SWCCS) at Quezon City Social Services Development Department. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on