WebClick Tracer

COMELEC diniskwalipika si Manuel Mamba bilang Cagayan Governor

Nagdesisyon ang Commission on Elections (COMELEC) na idiskwalipika si Cagayan Governor Manuel Mamba dahil sa paglabag sa spending ban noong 2022 national and local elections.

Sa isang desisyon na inilabas noong Miyerkoles, diniskwalipika ng COMELEC First Division si Mamba dahil sa paglabag sa Seksyon 2 at 13 ng Resolution No. 10747 kaugnay ng Section 261(v) ng Omnibus Election Code (OEC), na nagbabawal sa paglabas ng pondo ng publiko para sa anumang uri ng gawaing pampubliko mula Marso 25 hanggang Mayo 8, 2022.

Sinabi ng COMELEC na ang paglabag sa pagbabawal ay naging batayan para sa diskwalipikasyon ni Mamba.

Kasunod ng kaniyang diskwalipikasyon, idineklarang bakante ang upuan ni Mamba.

Papalitan siya ng incumbent vice governor sa rule of succession.

TELETABLOID

Follow Abante News on