WebClick Tracer

Confirmed! Joshua Garcia, Julia Barretto magpapakilig muli sa pelikula

Kumpirmado na ang pagbabalik tambalan ng ex-couple na sina Joshua Garcia at Julia Barretto o JoshLia.

Nitong April 24 ay isiniwalat na ng Star Cinema ang teaser nila na new movie alert kamakailan.

Ito’y ang movie comeback nina Joshua and Julia under Star Cinema and Viva Films.

May title itong “Un/happy For You” directed by Petersen Vargas.

Sa patikim sa movie, gumanap si Joshua na isang food delivery rider, kung saan nagtapong muli sila ng ex na si Julia.

Ani Joshua, nang i-offer sa kanya ang new project with Julia, “Yes” agad-agad ang isinagot niya.

“Nu’ng nalaman ko ‘yung project, sabi ko yes agad kasi ang tagal na rin kasi nu’ng agwat nu’ng panahon na nag-work kami before kasi mga teenager kami,” sey ng aktor.

“Ngayon, I can say nag-mature na rin kami, lumaki na kami, literal. Exciting lang, nagkanya-kanya kaming journey parang ngayon magbabalikan kami sa pelikula,” patuloy pa niya.

Saad naman ni Julia, marami nang beses silang inalok na magbalik-tambalan matapos ang viral na pag-appear nila sa music video ni Moira dela Torre na “Paubaya” noong 2021 ngunit hindi natuloy.

At ngayon nga ay naramdaman daw nila na nasa right time na ang pagbabalikan nila sa pelikula.

“At some point, when a good material comes along and a great team, of course, being reunited with Josh is such an exciting idea,” wika ng aktres.

“It almost felt like maybe it was already the right time, it’s the right material, we’re both in a good place in our life. I’m happy na magkakatrabaho tayo uli,” dagdag niya kay Joshua.

Huling JoshLia movie ang horror-action movie na “Block Z”, na ipinalabas noong Enero 2020. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on