WebClick Tracer

KathDen o JoshLia? Netizens nagkagulo sa movie alert ng Star Cinema

Na-excite ang fans sa teaser ng Star Cinema tungkol sa tila isang love team ang muling magbabalik.

Sa kanilang Facebook post, makikita ang silhouette image ng isang lalaki at babae.

Abangan daw ang anunsiyo para sa “unexpected comeback” na ito sa Abril 24, 2024.

“The comeback is unreal! Abangan this 4.24.24. #NewMovieAlert,” sabi ng film production ng ABS-CBN nitong April 22.

Kanya-kanya namang hula ang mga netizen kung sinong onscreen couple ang magbabalik pelikula, na karamihan ay sina Kathryn Bernardo-Alden Richards at Julia Barretto-Joshua Garcia ang isinisigaw.

“JoshLia or KathDen.”

“Kristine Hermosa and Jericho.”

“Hello Love Goodbye part 2.”

“Hello Love Goodbye Part 2 po yan, Confirmed na.”

“My Joshlia heart.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on