WebClick Tracer

Dimples Romana sa bday ng bff na si Angel Locsin: ‘Mahal kita lagi lagi’

Binati ng aktres na si Dimples Romana ang best friend niyang si Angel Locsin sa ika-39 kaarawan nito.

Sa Instagram ni Dimples, ibinahagi niya ang throwback photo nila ni Angel.

“Maligayang kaarawan Lyka 🐺 Mahal kita lagi lagi ☺️🥰❤️” aniya sa kanyang caption.

“Lyka” ang tawag ni Dimples kay Angel dahil pinagbidahan nito ang isang teleserye noon na “Lobo” na kung saan “Lyka Raymundo” ang karakter nito.

Dahil halos dalawang taon nang naka-hiatus si Locsin sa entertainment industry, si Dimples na ang nagbibigay ng updates sa kinaroroonan ni Locsin sa mga sabik na fans.

Sa isang panayam noong Abril 14, ibinahagi ni Dimples ang kapana-panabik na balita tungkol sa masayang buhay mag-asawa ng kanyang kaibigan sa asawang si Neil Arce.

Ipinahayag niya ang kanyang kagalakan para sa mag-asawa at sa kanilang paglalakbay na magkasama, na pinatingkad ang pagmamahal at suporta na natagpuan ni Locsin kay Arce.

Nabanggit din ni Dimples na inaabangan niya ang posibleng pagbabalik ni Angel sa industriya. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on