WebClick Tracer

Marc Pingris nawawala ang passport, nag-alok ng reward

Humingi ng tulong sa publiko ang former PBA player na si Marc Pingris matapos mawala ang kanyang passport at itim na pouch na naglalaman ng cash.

Ayon kay Pingris, handa siyang magbigay ng cash reward sa sinumang makakapagbalik ng mga naturang gamit niya.

“Patulong naman po. Pls kung sino po nakakita ng passport ko at black pouch na may cash po pls pakibalik po. We are willing na magbigay po cash reward just in case ma turnover niyo po.

“Pls send a DM po salamat po,” sabi niya sa kanyang Facebook post ngayong Lunes, April 22. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on