WebClick Tracer

Zamboanga Valientes ariba agad sa The Asian Tournament

Maganda ang naging simula ng Zamboanga Valientes sa The Asian Tournament nang talunin ang Ningbo Bulls, 82-75, sa Guangdong, China.

Dating import ng Rain or Shine Nick Evans ang namayagpag para sa Valientes nang magtala ng 17 points habang tinulungan naman siya nina Rudy Lingganay at Peter Alfaro na nagambag ng tig-10.

Palitan ang dalawang koponan noong first quarter ngunit humiwalay ang Valientes noong pangalawang yugto para pumasok sa halftime lamang ng 43-31.

Third quarter ay tuluyan nang sumabog ang Valientes at umabot ng 20 ang lamang noong fourth quarter bago subukan humabol ng Ningbo at napababa nila yung lamang sa single digits sa dulo ng laban.

Hindi naging sapat ang comeback attempt at kumapit ang Valientes sa maliit na lamang sa dulo.

Sunod na makakalaban ng Valientes sa Sabado ang Taiwan Mustangs na may pamilyar na mukha na si dating PBA star Alex Cabagnot. (Miguel Dumlao)

TELETABLOID

Follow Abante News on