WebClick Tracer

‘Work is life’: Nanay trabaho pa rin kahit nasa beach

Good vibes ang hatid ng isang anak matapos niyang ibahagi ang video ng kanyang ina na kasama nila sa island hopping habang sinasagot ang tawag ng boss nito.

Sa TikTok account ng isang user na si “Samsaammmy” ibinahagi niya ang video ng kanyang inang sumasagot ng tawag ng boss nito kahit nakalubog ito sa tubig dagat sa Palawan.

“Mama mo pwede awardan 🤣 sana hindi ako umabot sa ganito, kahit nasa dagat nag fofollow-up sila hahaha” anang user sa kanyang caption.

@samsaammmy

Mama mo pwede awardan 🤣 sana hindi ako umabot sa ganito, kahit nasa dagat nag fofollow-up sila hahaha

♬ original sound – music.fy

Kinaaliwan tuloy ito ng mga netizen at nakarelate pa sa sitwasyon ni madir.

“Omg!! Same!!! Nasa El Nido kami ng fam ko and bigla nalang sila tatawag dajil may mga applicants daw na need interview’hin kahit nakaleave naman ako😭😭😭”

“medyo funny ito pero sana marunong naman ang mga boss to respect the vacation time of their employees”

“Interviewer: Do you work well under pressure?

Her: Yes! even in water.”

“Majority kasi ng clients is galing ibang bansa so u need to be competitive or else papalitan ka 🫠”

“only in the Philippines, sa ibang bansa kapag off mo at vacation di ka nila tatawagan about work.”

“WORK LIFE BALANCE LITERAL SI AUNTIE 😂” (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on