WebClick Tracer

Sa tindi ng init: Estudyante nagdala ng sariling electric fan sa klasrum

Kinaaliwan online ang isang estudyanteng nagdala ng sariling electric fan sa kanilang klasrum dahil sa tindi ng init na nararamdaman ng bansa.

Sa TikTok video ni “@roseyyy._._” ipinakita niya ang kanyang sariling may dalang electric fan papasok ng kanilang paaralan.

“te di ko kinekeri ang init, masisira makeup ko choz” aniya sa kanyang caption.

@roseyyy._._

te di ko kinekeri ang init, masisira makeup ko choz

♬ Trip Lang – Shehyee

Ibinahagi din ng estudyante na no problem ang saksakan dahil nagdadala rin siya ng extension.

Natuwa naman ang mga netizen sa ibinahagi ng TikTok user at tila nakakuha pa ng ideya na magdala na rin ng sariling electric fan sa kanilang klasrum.

“lapit ko na Gawin yan😂”

“gamay nalag kulang mag dala najud ko”

“magdala na rin ako ng extension”

“THE LEVEL OF CONFIDENCE 🔥”

“hindi talaga conducive for learning ang super init😭😭”

(VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on