WebClick Tracer

Pagpuslit ng higit 80 buhay na gagamba naharang sa Pasay

Hinarang ng Bureau of Customs (BOC) ang tangkang pagpuslit ng mahigit 80 buhay na batang gagamba o spiderling sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Port of Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ideneklara umanong “origami” products ang naturang mga gagamba.

“Eighty-four (84) live spiderlings were found during the physical examination of the customs officers after the initial x-ray scanning showed suspicious images,” saad ng BOC sa isang pahayag nitong Sabado, Abril 20.

Ang parcel ay ipinadala sa isang address sa Biñan, Laguna.

Sinabi ng bureau na ang pagtatangka ng smuggling ay lumabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act tungkol sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio, “The dedication of the BOC in preventing smuggling is a crucial barrier against exploitation of wildlife, and in maintaining robust national biosecurity and ecological balance.” (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on