WebClick Tracer

Kasal ni Angelica Panganiban, Gregg Homan sa Siargao star-studded!

Star-studded event ang kasal nina Angelica Panganiban at Gregg Homan sa Siargao.

Sa isang Instagram Reel na ipinost ni Maxene Magalona nitong Biyernes ng gabi, makikita ang ilan sa mga celebrity na dumarating sa isang restaurant at nakiki-party pa kasama si Angelica.

Ispated sina Anne Curtis, Glaiza De Castro, Kim Chiu, Bela Padilla, Liz Uy, at marami pang iba.

“It’s all for you, @iamangelicap! Congratulations and best wishes to our glowing bride,” saad ni Maxene sa kanyang caption.

Nagbahagi rin si Anne Curtis ng mga larawan kasama ang kanyang anak na si Dahlia.

“With my forever date to celebrate kambal’s special day with the loves of her lives!” saad ni Anne sa kanyang caption.

“So excited for later @iamangelicap @gregg_homan and little bean! Baka maiyak me! This is it KAMBAL!!!!” dagdag niya.

Beach wedding ang kasal ng dalawa ngayong Sabado.

Matatandaan na-engage sila noong 2022 nang buntis ang aktres sa kanilang anak na si Amila Sabine, o baby Bean. Ikinasal ang mag-asawa sa US noong Bisperas ng Bagong Taon, sa espesyal na petsa ng 123123.

Noong Enero, nagbahagi sina Angelica at Gregg ng mga larawan mula sa kanilang pre-wedding shoot sa Australia.

TELETABLOID

Follow Abante News on