WebClick Tracer

Construction worker nahulihan ng marijuana sa Kalinga

Nasamsam ng mga pulis ang marijuana bricks na nagkakahalaga ng P1.9 milyon sa isang checkpoint sa Sitio Dinakan, Brgy. Dangoy, Lubuagan, Kalinga noong Huwebes.

Nakuha ito sa isang 24 taong gulang na construction worker mula sa Marilao, Bulacan.

Ayon sa Kalinga Provincial Police Office, ang suspek ay patungo sana sa Tabuk City.

Ininspeksyon nila ang kaniyang bag at nakita ang 16 na marijuana brick na may kabuuang bigat na 16 kilos na nagkakahalaga ng P1.9 milyon.

Dinala na ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa Lubuagan MPS. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on