WebClick Tracer

Chery Tiggo, 3 pa, labo-labo sa tuktok

Tuloy ang mainit na laro ng Chery Tiggo Crossovers matapos patumbahin ang Akari Chargers, 25-17, 25-20, 25-17, para kunin ang kanilang pang-anim na sunod na panalo sa PVL All-Filipino Conference.

Dahil sa panalo umangat ang Crossovers sa 8-2 record, tabla sa Creamline, Choco Mucho, at Petro Gazz sa standings at kasalukuyan pasok sa final four.

Balanse ang atake ng Chery Tiggo sa laban na pinangunahan ni Eya Laure na nagambag ng 14 points at ni Ara Galang na nagbigay ng 9 points.

Apat naman na player ang pumuntos ng 7 para sa Tiggo na sina Aby Marano, Mylene Paat, EJ Laure, at Cza Carandang.

Dahil din sa panalo ay linaglag ng Chery Tiggo ang Cignal HD Spikers mula sa karera patungo final four.

Makakalaban ng Crossovers ang laglag na din na Galeries Tower sa Huwebes, April 25 sa Philsports Arena sa isang laban na importante parin para sa seeding sa final four.

Ang Chargers naman ay hahanapin tapusin ng maganda ang kanilang torneo kontra sa walang panalo na Strong Group Athletics sa Sabado, April 27. (Miguel Dumlao)

TELETABLOID

Follow Abante News on