WebClick Tracer

Abogado timbog sa P1.3M shabu

Dalawang big-time na tulak ang nadakip ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Martes, Abril 16 sa Barangay Central Diliman ng naturang lungsod.

Isa sa mga suspek ay abogado.

Kinilala ang dalawang naarestong sina Camilo Montesa, 57; at Maria Balajadia, 39, kung saan nakumpiska sa kanila ang may P1,373,600 halaga ng shabu.

Kabilang umano ang mga suspek sa drug watchlist ng Directorate for Intelligence.

Nahuli sila habang nagbebenta ng droga na nagkakahalaga ng P81,000 sa isang police poseur buyer bandang alas-5:25 ng madaling-araw.

TELETABLOID

Follow Abante News on