WebClick Tracer

Sen. Escudero ‘okay na okay’ na-high blood lang ayon sa utol

Okay na okay umano si Sen. Francis Escudero ayon sa kanyang kapatid na si Sorsogon Rep. Marie Bernadette Escudero.

“Okay na okay siya. Kung anuman yung kumakalat na nangyari sa kanya, na-high blood lang siya dahil alam naman natin sobrang init ngayon,” sabi ni Rep. Escudero sa isang video na ipinost sa social media.

Ayon sa kongresista umuwi ng Sorsogon ang senador dalawang linggo na ang nakakaraan.

“Na-high blood siya, nagpadala siya ng Manila, nagpa-check up siya sa ospital. So nagpa-executive check-up na rin siya. So ngayon okay na okay siya,” sabi ng kongresista.

“Nakaka-10,000 steps ulit siya kada araw. Alam nyo naman grabe siyang maglakad di ba? Daig pa niya tayo, ako mga 3,000 steps a day lang,” dagdag pa nito.

Sa kanilang pag-uusap, hinimok umano ni Rep. Escudero ang kapatid na magsalita sa publiko upang ipaalam ang kanyang kondisyon.

“Kausap ko siya kahapon (Martes), grabe yung mga balita sa Sorsogon ah. Bakit hindi ka magsalita? ‘Hindi naman ako presidente na kailangang mag-explain’ kung anong nangyayari sa kanya, senator lang naman daw siya,” sabi ng lady solon.

“Kaya sabi okay, ako nalang ang mag-e-explain sa kanila. Baka worried kayo okay na okay si Sen. Chiz…. Pero ipagdasal nyo pa rin siya…,” dagdag pa ng kongresista. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on